Friday, May 22, 2009

‘Senador Manny Villar, lumuwa ang buwa’


Lumuwa ang buwa ni Senador Manuel Villar kahapon matapos habol-habulin ang mga nakawalang itik sa isang bukid habang siya’y nag-shu-shooting ng kanyang bagong commercial, ayon sa mga ulat.

Kaagad dinala sa St. Luke’s Medical Center ang senador upang tahiin at muling isuksok ang kanyang buwa.

Ayon sa mga doktor, nasa mabuting kalagayan si Villar at makalalabas na mula sa hospital sa loob ng dalawa o tatlong araw. Hindi naman anila maaapektuhan ang kakayanan ng senador na manganak muli.

Ang “buwa” ay “uterus” sa Ingles at kadalasang nakikita lamang sa mga kababaihan. Ngunit mayroon ding mga lalaki ang mayroong buwa tulad ni Villar. Ayon sa research, isa sa isang milyong kalalakihan ang mayroong buwa. Samantala, ang pagluwa ng buwa ay tinatawag na “prolapsed uterus” na nangyayari sa iba’t ibang kadahilanan tulad ng marahas na pag-iri o iba pang pisikal na aktibidad.

Nalaman ng Good Times Manila na nangyari ang insidente habang tinatapos ng senador ang shooting ng bago nyang commercial kung saan makikita siyang nagpapastol ng mga itik.

Habang naglalakad ang senador ay biglang nagtatakbo ang mga itik sa iba’t ibang direksyon na ikinabigla ni Villar. Kaagad umanong hinabol ng senador ang mga itik ngunit lalo lamang kumaripas ang mga ito.

Nadapa at nagpagulong-gulong umano ang senador sa putik habang hinahabol ang mga itik.

Dahil dito, dumugo at lumuwa ang buwa ni Villar at kaagad itong sinugod sa ospital. Nagpadala naman kaagad ng mga bulaklak sina Vice President Noli De Castro at mga senador na sina Loren Legarda, Chiz Escudero at Mar Roxas.

Samantala, ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, may nakarinig umano kay Senador Panfilo “Ping” Lacson na mag-komentong gusto rin nitong magkaroon ng buwa. “Ano ba yung buwa?

Pano ba pwedeng magkaron non?” ani Lacson.

Mula sa ospital, isang maikling pahayag ang iniwan ni Villar: “Ngayon, alam ko na talaga ang naramdaman ni Aling Neneng from Riyadh. Sa sobrang sakit, dumugo, lumuwa ang buwa
ko.”

CORRECTION: Not “Aling Virgie” as earlier reported but “Aling Neneng.” Thanks, star! :D

http://goodtimesmanila.com/


No comments:

Post a Comment